Burado(r)
Nag-eeksperimento ako ng kare-kareng may okra at kalabasa nang biglang tumigil sa pagtugtog ang Beatles sa laptop ko. Hindi ko agad-agad naiwan ang nakasalang na kaserola. Pagpasok ko sa kuwarto, nasa error screen na ang computer. Sinubukan kong i-reset pero dinadala pa rin ako sa kaparehong error screen. Dinala ko sa opisina ng MIS kinabukasan. Kaunting check-up, lumabas ang diagnosis: hindi kilala ang sakit ng hardware, pero (pero!) may reseta: kailangang ireformat. Parang kay daling mag-reformat ng computer, kalimutan lang na ang katumbas niyon ay ang pagkabura ng lahat ng files sa hard disk: mula tesis hanggang sa burador ng bago-bago pa lamang na mga tula, kuwento at sanaysay. Huwag na nga ang mahigit sanlibong mp3 ng mga paborito kong kanta, dahil kahit paano'y madaling makopyang muli ang mga iyon. Pero paano gagawa ng kopya ng alaala?
Matagal-tagal din akong hindi nag-update ng blog sa Kalye Kundiman: Pebrero 6 pa ang huli. Totoong naging abala ako sa maraming bagay nitong mga nagdaang buwan: MA tesis (tapos na sa wakas at ibina-bind na ngayon!), Palanca (mukhang alam na naman ng lahat ng kaibigan na sumali ako kaya wala nang puntong magpanggap na hindi), pagtuturo nitong nagdaang Tag-araw (9 units=4.5 oras bawat araw=108 mag-aaral), pagrerebisa ng koleksyong Pag-aabang sa Kundiman: Mga Tula na noong nakaraang taon pa dapat inilabas ng NCCA para sa proyekto nilang UBOD: New Writers' Series (pero kalimutan na raw muna namin, sabi ni Glenn sa kanyang e-mail nitong Mayo. Kalimutan na muna! Ano't nag-eleksyon lamang ay nawala ang pondong nailagak na dapat sa proyekto?), pag-aasikaso sa mas pinaagang pagsisimula ng palihan ng LIRA ngayong taon (at kasabay niyon, ang paglulunsad ng Ulirat, ang newsletter ng LIRA), panonood ng season 3 ng CSI (siyempre, pirated dvd), pagtanga-tanga lang sa ulan o kawalan (luma na, pero patuloy na napapakinabangan). O sige, basta hindi pa ako nakauuwi sa San Pablo simula nang lumuwas ako noong Abril. Naging abala nga ako at matagal-tagal na hindi nag-update ng blog, pero hindi ibig sabihin ay tinigilan ko ang pagsusulat ng mga talang gaya nito. Nagpatuloy ako, pero kinimkim ko muna sa sarili, itinago ko nga sa laptop. Laging may mga bagay na hindi basta-basta maibabahagi sa iba. Sa akin lang. Pagkatapos ay gayon nga, noong Lunes ng gabi ay biglang nag-crash ang hinayupak na laptop. Nireformat. Ngayon, burado ang lahat ng memorya. Ngayon, ni hindi ko na rin maalaala kung ano ba iyung mga hindi ko maibahagi sa iba dati. Walang alaala. Responsibilidad din nga ang alaala. Ngayon, bigla'y parang nawalan ako ng pananagutan sa lahat ng mga bagay na bitbit niyon.
Paano ako magpapatuloy? Ako ba ang uusad, o kailangang may papasuking iba?
Magsentimyento muna, siguro. Tumayo. Maglakad-lakad. Magpahangin. Mainis sa sarili. Magmura (mahina lang, dahil baka mapaaway kung kanino). Pagkatapos, umupo at simulan ito. Nakasasawa rin ang kalye. Mas okey ito: kanto. Mas marami akong nakikita, hindi lang iisang daan. Lagi namang gayon: laging nasa kanto: laging nasa isang sulok ng pagpapasya. Kahit ang mismong pasya ay tinatangay ako sa bingit ng panibagong pagpapasya. Kanina, sa kabila ng mga nawala ay napagpasyahan kong maging masaya. Ngayon, masaya akong magpapasya sa bagong kasiyahan.

2 Comments:
binura na rin ba ng reformatting yung mga nakadefer mong kwento sa amin?
Kay Yol: Oo nga pala. Sayang, hindi maaaring mag-crash ang alaala n'yo. Sabi ko naman noon, dalawampung taon. Kaya ngayon, labinsiyam na taon at apat na buwan na lang...
Post a Comment
<< Home