Aklat/Kalat
Bumubuwelo lang ako.
Ilang araw mula ngayon, isusulat ko na ang mga ibig isulat; gagawin ang mga dapat gawin. Kauuwi ko lang galing sa Metro East. Ngayon ko lang nagawa ang ganito katinding movie marathon. 12:50: Sabel (direktor: Joel Lamangan). 3:15: Naglalayag (direktor: Maryo J. de los Reyes). 6:00: Volta (direktor: Wenn Deramas). Pagkatapos, dumaan ako sa Booksale imbes na mag-grocery gaya ng binalak ko. Titingin-tingin lang, pangako ko sa sarili. Pero may mga bagay na kayang sumira sa pangako. Gaya ng aklat. Bago ako lumabas sa Booksale, bitbit ko ang apat na bagong libro kapalit ng PhP515: The Maiden King nina Robert Bly at Marion Woodman; The Male Experience ni James A. Doyle; LIFE Science Library: Time ni Samuel A. Goudsmit, et. al.; at LIFE Science Library: The Body ni Alan E. Nourse, et. al.
May mga aklat na kinailangan ko pa ring iwan, gaya ng bagong aklat ni Elaine Pagels, si Pagels na gumawa ng mga kontrobersyal na pag-aaral ukol sa kasaysayan ng relihiyon at pananampalatayang Kristiyano, gaya ng The Gnostic Gospels na nagbigay-inspirasyon sa akin upang isulat ang tulang “Gnosis” may isang taon na siguro ang nakararaan.
Bagong mga aklat na naman, gayong wala na nga akong mapagsiksikan sa bookshelf ko (kanina, bitbit kong muli ang The Book on the Bookshelf ni Henry Petroski na regalo ni Nikka sa akin noong kasal nina Jing—mahirap tumunganga sa mall habang naghihintay ng kasunod na screening). Sabi ko, bumubuwelo lang ako: kailangan ko ring asikasuhin ang pagbebenta ng mga lumang libro na hindi ko na kailangan (kahit ang iba sa kanila ay hindi ko pa nababasa; dumarating ang panahon na wala na akong pangangailangan sa kanila, nawala na ang mahika na gumayuma sa akin noong araw na pinagkagastusan ko sila). Mahirap mag-encode sa Geocities kaya balak kong igawa na lang ng sariling blog para mas madaling i-update. Isang matinding buwelo at maaayos ko rin ito.
Sa ngayon, magbabasa muna ako. Ng katawan. Nanlalagkit pa ako sa pawis at alikabok ng pagbibiyahe sa dyip. Pagkatapos, sisimulan ko nang basahin ang The Body ni Nourse.

5 Comments:
hindi totoong walang laman ang kuweba :)
Isang uri ng laman lamang ang ibig kong tukuyin. =) din.
naalala ko lang iyung text ko kay sir joey kagabi "...wala pong wala :)"
ang gandang salita ng "wala"--hindi siya totoo. :)
scratch that. ang ibig kong sabihin, magandang salita ang "wala"--halos hindi siya totoo. :)
Kay Nikka: Wala, wala lang. =)
Post a Comment
<< Home