Basa
Nakasangga ang payong ko laban sa hangin. Hindi kinaya, bumigay ang isang tukod. Mahina lang ang ulan, pero nabasa pa rin ako. Pasado alas-siyete nang magkita kami ni Naya sa Aeon Books. Magkikita-kita kaming tatlo nina BJ para kumain sa labas. Kumustahan. Med rep na pala si BJ (ilang buwan pa lang ang nakararaan, pinag-usapan namin ang balak sana niyang magturo). Matagal-tagal bago dumating si BJ kaya nakapagbuklat-buklat pa kami ng mga libro sa Aeon Books (ito na yata ang bookshop sa Pilipinas na may pinakamagandang koleksyon ng literary titles). Natutukso akong bilhin ang koleksyon ng unang apat na poetry books ni Louise Glück, lalo na nang makita kong mas mura pa ito sa pinakabago niyang chapbook, ang October, na wala pa yatang dalawampung pahina! Matagal-tagal ko na ring sinusulyapan ang Collected Poems ni Czeslaw Milosz. Binili ni Naya ang selected essays ni Denise Levertov. Ako, noon ko lamang ulit naramdaman ang gayong pagkasabik nang makita ko ang Terra Nostra ni Carlos Fuentes. Hindi ko na pinakawalan. Nabasa ko na ang Christopher Unborn ni Fuentes at nakita ko kung paano niya pinaglaruan ang anyo ng nobela. Mukhang mas matindi ito. “Kailangan ko ito,” pangungumbinsi ko sa sarili upang pangatuwiranan ang paggastos ng halos siyam na daan para sa isang aklat. Tinawanan lang ako ni Naya, habang lumalabas ako para magwithdraw sa pinakamalapit na ATM.
Nang dumating si BJ, kumain kaming tatlo sa Eyrie at saka dumiretso sa Conspiracy, isang bagong bar sa Visayas Ave. kung saan may poetry reading tuwing Martes ng gabi. Naghihintay na roon si Nikka. Maya-maya, dumating na si EJ. Nakasama rin namin sa mesa (noon lang kami pormal na nagkakilala) si Paolo Manalo. Nagbasa ako. Binasa ko ang Tula 6 ng “Kung Bakit Tayo Nakikinig sa Alamat” (na, ahem, nagbigay sa akin ng kinse mil noong Abril; ubos na nga lang ngayon, pero mayroon na akong sariling ref, brand new, surplus na TV, oven toaster, at malaking salamin, sa kuwarto), “Mabuting Balita” at “Pananalig sa Kamalig.” May libre palang dalawang drinks ang readers. Nakalimang bote (yata) ako kagabi. Nakapaglibre nang hindi oras dahil niloloko nila (BJ, Naya, EJ, kahit si Nikka) ako habang ipinagpipilitan kong “hindi ako lasing.” Hindi naman talaga.

4 Comments:
sabi nga namin diba, 4 ang levels ng kalasingan mo. una at pinakamababaw na level lang ang pagtanggi mong lasing ka. hehehe.
ok sige bahala kayo... =)
This comment has been removed by a blog administrator.
oops, nabura ko.. ulitin ko lang. "magaling ako. wala akong sakit.." :) pagaling ka.
Post a Comment
<< Home