Higit
Mag-uusap lang dapat kami ni Allan (Popa) kahapon ukol sa aking koleksyon, pero nahila na rin niya akong manood na rin kami ng Spider-Man 2 sa SM North EDSA. Nahila na rin naming sumama si Naya. Bago kami nakasakay ng taxi, nagpasabi si BJ na sasama na rin. 6:05 ang screening kaya nakakain pa muna kami sa Sbarro.
Astig ang SM2. Hindi lang okey ang CGI, ang galing din ng kuwento, at kaya niyang pangatawan ang mga spoof upang maging katanggap-tanggap ang mga eksenang kung ginamit sa pelikulang may pretensyon ay naging korni sana. Pero ganoon yatang talaga kapag mahal mo ang isang bagay, kaya mong tanggapin kahit ang kakornihan, nagiging cute pang madalas. Ilang minuto na matapos lumabas sa sinehan, nakangiti pa rin ako. Wala, ganoon lang, nakahahawa ang gaan ng pelikula. “There is something more in here than you and me,” sabi ni Peter Parker sa kaibigan niya sa isang bahagi ng pelikula. Iyung ganoong pagpapakumbaba ang nagpahusay sa pelikula: wala itong pagpapanggap na maging dakila.
Pagkatapos, dumiretso kami sa Figaro sa Tomas Morato upang pag-usapan na nga ang koleksyon ko. Marami akong natutuhan kay Allan (at natutuwa ako sa tiyaga niyang tutukan at pag-ukulan ng panahon ang bawat tula). Laging napakagaan sa loob na mabuksan ang isip sa mga alternatibong pagtanaw. Perang pagbubukas ng espasyo sa isip, nakahihinga nang maluwag ang mga ideya. Animnapu ang tula sa koleksyon. Unang seksyon pa lang ang natapos namin kagabi, unang labinlimang tula (ngayon, may pag-aalinlangan na ako sa kanilang “pagkatula”; subalit ibig kong kilalaning positibo ang ganitong pag-aalangan). Marami pa ngang kailangang isaalang-alang. “With great power comes great responsibility.” Linsyak na Spider-Man at ayaw akong hiwalayan. Pagpapakabayani rin nga kaya ang pagtula? Kapangyarihan nga ba ang salita?
Basta, ayokong manahimik. (Ayokong basta manahimik.)

2 Comments:
Well done!
[url=http://eirhzwys.com/utos/zgad.html]My homepage[/url] | [url=http://heisgfmw.com/kbtx/dwdv.html]Cool site[/url]
Great work!
http://eirhzwys.com/utos/zgad.html | http://tapgxnaa.com/qipq/sxvt.html
Post a Comment
<< Home