Saturday, September 04, 2004

Katatapos Lang: Agosto 2004

Setyembre na. Noong nasa Heights pa ako, dalawa sa mga una kong nagustuhang tula ang "Setyembre" nina Ivy Rosales at Mely Guerrero. Lagi kong sinasabi, malaki ang pagpapasalamat ko kay Mely (siya ang patnugot ng Pinoy Staff na tumanggap sa akin sa Heights noon); kung hindi niya nakita ang potensyal ko noon sa pagtula, maaaring naiba sana ang tinahak ko, ibang mga oportunidad ang nabuksan, ibang mga tao ang nakilala.

Nitong nagdaang Agosto, heto ang lagom ng mga pinagkaabalahan. Higit kaninupaman, para sa akin ito: para makumbinsi ang sarili na sa kabila ng lahat (sa lahat-lahat!), may mga nagagawa at nagagawang tapusin (at takot na rin akong mag-crash ang laptop at maburang lahat ng alaala, kasama ang mga maaaring mailagay sa CV).

Movies Watched
01. Hedwig and the Angry Inch (directed by John Cameron Mitchell)
02. Ken Park (directed by Larry Clark)
03. Irreversible (directed by Gaspar Noe)
04. Eternal Sunshine of the Spotless Mind (directed by Michel Gondrel)
05. The Village (directed by M. Night Shyamalan)
06. Dirty Dancing 2: Havana Nights (directed by Guy Ferland)
07. Taxi, Taxi 2, & Taxi 3 (directed by Gerard Krawczyk)
08. Bangkok Haunted 2: The Unborn (directed by Oxide Pang & Pisuth Praesaeng-Iam)
09. The Butterfly Effect (directed by Eric Bress & J. Mackye Gruber)
10. The Legend of 1900 (directed by Giuseppe Tornatore)
11. Clueless (directed by Amy Heckerling)
12. The Shawshank Redemption (directed by Frank Darabont)
13. Lucia (directed by Mel Chionglo)

Books/Novels Read
01. Samsara (ni Allan Popa)
02. Proofs & Theories: Essays on Poetry (by Louise Gluck)
03. Rosamistica (ni Severino Reyes, muling isinalaysay ni Christine S. Bellen)
04. Bawat Himaymay ng Aking Laman (ni Edgardo M. Reyes, serialized sa Liwayway, 27 Agosto 1984-9 Setyembre 1985)
05. The Poet's Notebook: Excerpts from the Notebooks of Contemporary American Poets (edited by Stephen Kuusisto, Deborah Tall, David Weiss)
06. Kami sa Lahat ng Masama (ni Allan Popa)
07. Lamok sa Loob ng Kulambo (ni Benjamin P. Pascual, serialized sa Liwayway, 31 Oktubre 1983-6 August 1984)

Poetry Readings
01. Sa Conspiracy, 03 Agosto 2004 (Kagawaran ng Filipino, binasa ang "Kuwentong-Bayan," "Walang Diwata ng Apoy" at "Pagal ng mga Manananggal")
02. Ang Wika ng LIRA, Sa UP FC-AVR, 13 Agosto 2004 (binasa ang "Ang Kartero sa Baryo" at "Nuno sa Punso")
03. Sa Conspiracy, 17 Agosto 2004 (KUTING, binasa ang "Kanto," "Ang Kartero sa Baryo" at "Nuno sa Punso")
04. Asylum: The Heights Open Mic, sa AdMU SEC B Foyer, 20 Agosto 2004 (binasa ang "Ang Kartero sa Baryo" at "Nuno sa Punso")
05. KA: Poetry Jamming, sa Rizal Mini-theatre, 27 Agosto 2004 (binasa ang "Ang Kartero sa Baryo" at "Pagal ng mga Manananggal")

New Albums in my Media Player
01. Hedwig and the Angry Inch OST
02. I Believe (by Fantasia Barrino)
03. Smallville OST
04. Songs About Jane (by Maroon 5)

Publication(s)
01. "Mula Hong Kong Hanggang Antipolo: Isang Malikhaing Proseso sa Pagkatha ng Kuwentong Pambata." Diliman Review, Volume 54, Number 4, 2004, pp. 60-64.

Article(s) That Mention Me Or My Work(s)
01. Romulo P. Baquiran, Jr. "Lirisismo at Ultra-retokismo sa mga Bagong Tula ng mga Kabataang Makata sa Filipino." Hulagway: Opisyal na Lathalain ng Oragon Poets Circle, Setyembre 2004 Tomo 4, Bilang 1, mp. 97-123.

Other Events Attended
01. "Pagsasalin Bilang Isang Pambansang Gawain," UP Pulungang Recto (18 Agosto 2004)
02. Araw ng mga Manunulat at Ilustrador, UP Integrated School (20 Agosto 2004)
03. "Ang Punk sa Kontemporaneong Panulaang Filipino," panayam ni Fidel Rillo sa UP Pulungang Claro Recto (24 Agosto 2004)

Marami ring nagdiwang ng kaarawan na kakilala't kaibigan: si Tita Ayen, si Sir Mike, si Ma'am Coralu, si Bong, si JB, si Indo, si Gelo.

Tapos na ang Agosto 2004. (Ganito iyon: ang umalis at di na magbabalik.)

Narito ang dalawang tula nina Ivy at Mely, na lumabas sa isyu ng Heights kung saan una akong nakapagpalathala noon ng tula (1999).

Setyembre
Melenaida Guerrero

Bagong-ligo ang mundo.

Nangingislap ang palikpik
ng pla-pla sa bilao.
Nangingintab din ang bayabas
sinlaki ng kamao.
Rumaragasa ang ilog,
sumasalpok pa sa bato.
May mayang nakatunghay
sa damong nakayuko.

Hubad ang lahat-lahat.

Naghihintay na lamang
mabihisan ng bagong hamog.

~~
Setyembre
Ivy A. Rosales

Sa kabilang pisngi ng mundo,
nagpapatihulog ang matatandang dahon.
Pinagliliwanag ang paligid
ng mga sangang tahimik na nagpaparaya.
Nag-aalab ang larawang ito sa kalendaryo.

Sa labas, tinutupok ng hanging mabagsik
ang mga bulaklak ng lansones.
Hinihintay ng mga dahon ang pagsalpok
ng butil-butil at nagbabantang ulan.

Muling pipihit sandali ang daigdig.
Kapag ganitong ika-siyam na buwan,
pumapatak ang lahat sa lupang biniyayaan.

Tuesday, August 24, 2004

Puno

Sabi ni Mark Strand:

"Wherever I am
I am what is missing."

Ang tesis ko: Tayong Lumalakad Nang Matulin. Koleksyon ng tula. At ang iniisip ko noon: lahi tayo ng mahihilig maglimayon, ibig lagi nating iwan ang nakaraan, ibig nating lumisan, at nasusugatan tayo (tinik sa talampakan) sa proseso.

Ngayon, binigyan ng ibang kulay ni Strand ang mga pagkukumahog na ito.

"I move
to keep things whole."

Baka nga. Kaya laging "ganap na"--naganap: nagiging buo nga lamang ang mga bagay kapag iniwan na natin (lugar, panahon). Kapag wala na tayo roon.

Noong isang gabi, napanood ko ang The Legend of 1900 ni Giuseppe Tornatore. Doon, hindi naman magawang iwan ng bida (si 1900, malamang) ang barkong kinalakihan. Kahit minsan, hindi siya bumaba sa lupa. Kahit sa daungan. Kaya sa huli, walang naganap. Naiwan akong nakatanga sa pagtanggi niyang pangahasan ang bagong karanasan.

Pero paano huhusga? Habang pinararami natin ang mga pagpipilian, lumiliit nang lumiliit ang halaga ng mga pinili, dahil dumarami nang dumarami ang kinakailangan nating talikuran para sa kanila. Mas mabubuhay sa panghihinayang, o pag-iisip para sa mga hindi inangkin. Ito, habang kapiling ang inari. Kaya kapag ikinulong ang sarili sa limitadong posibilidad, mas kaunti ang panghihinayang (mabibilang ba iyon, masusukat)? Siguro nga.

Walang iniiwan. Walang pupuntahan. Walang magaganap.

Buo.

Para saan?

Strand:

"We all have reasons
for moving."

Oo. Sapagkat?

Friday, August 20, 2004

Ilang Bagay na Pambata

Kagagaling ko lang sa UP-IS dahil naimbitahan ako para sa kanilang programang "Araw ng mga Manunulat at Ilustrador." Nakasama ko sina Heidi Abad-Eusebio (manunulat din ng kuwentong pambata) at JK Aninoche (storyteller). Ipinakilala kami sa mga bata (Kinder hanggang Grade 2) at nagkuwento kami ng kaunti ukol sa malikhaing proseso. Ilang Q & A. At saka, ikinuwento ni JK ang "Papa's House, Mama's House" na siyang Grand Prize sa PBBY ngayong taong ito. Sobra ang energy ni JK. Mabentang-mabenta sa mga bata. Naisip ko, hindi talaga yata ako p'wedeng maging guro sa grade school. Ibang klase ng husay ang kailangan. Pagkatapos, may ilang mga nagpapirma ng aklat. Sabi ni Yvette (na nag-imbita sa akin), ipinakuha pa raw niya sa warehouse ng Adarna ang kopya ng mga libro ko at 30 na lang ang nakuha (mabuti't meron pa pala!). Bago umalis, binigyan niya ako ng laminated artworks ng mga bata (cover ng "Uuwi na ang Nanay kong si Darna!") at sa likod ay nakapaste ang komentaryo ng mga bata, gaya ng mga sumusunod:
  • Nagustuhan ko ang kwento kasi nakakatawa nakakagulat at maganda ang tauhan at nakakaaliw.
  • Nagustuhan ko ang kuwento dahil ito ay isang librong maraming matutuhan.
  • Nagustuhan ko ang kuwento dahil kay Darna magaling masipag at matulungin. Ang kuwento ay maganda dahil kay Darna, Popoy at tatay ni Popoy.
  • Nagustuhan ko ang kwento dahil pinapasaya ako ng bata.
Ibang saya ito: ang mga bata mismo ang naghahalaga sa isang akda na isinulat para sa kanila. Higit kong naunawaan ang ibig sabihn ng kuwentong pambata.

...

Nakakuha na ako ng kopya ng pinakabagong isyu ng Diliman Review, kung saan lumabas ang aking sanaysay na "Mula Hong Kong Hanggang Antipolo: Isang Malikhaing Proseso sa Pagkatha ng Kuwentong Pambata." Binubuklat-buklat ko ang isyu at mukhang maiinam ang mga sanaysay na nakatuon sa panitikang pambata (huwag na munang pansinin ang layout; kailangan pang ma-expose ang kung sino mang nag-layout sa mahuhusay na journal pagdating sa aspektong ito; hindi rin 'ata nausuhan ng proofreading ang DR: sa sanaysay ko pa lang ay marami nang mali).

Gayunpaman, mukhang naisalba naman ang isyu ng mismong nilalaman. Narito ang sipi mula sa editorial ni Darius Letigio Martinez:

"Sa panulat ni Lina Diaz de Rivera ay makikita ang mga pagtatala sa kasaysayan ng Panitikang Pambata sa Pilipinas. Inilalahad naman ng mga pananaliksik nina Christine Bellen at Luna Sicat-Cleto ang kasaysayan ng mga bata sa dalawang malalaking panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng mga alon ng dagat ay ipinararating sa atin ni Eugene Evasco na mayroon palang namumugad na panitikan sa dagat para sa bata. Si Cynthia Villafranca ay maghahain sa atin ng pag-aaral sa ilang kuwentong pambata at kung paano ito maaaring ituro sa loob ng mga klasrums. Isasalaysay naman ni Edgar Samar ang kanyang karanasan nang magdesisyong sumulat para sa mga bata at ang dalawang kuwentong bunga ng pagpapalit-anyong ito. Sa malikhaing kamay ni Panch Alcaraz ay matutuklasan natin ang sarili niyang karanasan sa paglikha ng mga larawan para sa mga kuwentong pambata. Ikukuwento naman sa atin ni Ani Almario ang malalaking kaganapan sa Adarna Publication. At sa huli, sa makukuwento at matutulaing imahinasyon nina Cyan Abad-Jugo, Heidi Emily Eusebio-Abad, May Tobias at Astrid Tobias, ay may dagdag-yaman sa ating hiraya."

Gaya ng sinabi ko, may pangako ang mga akda sa loob ng DR, salamat sa pamamatnugot nina Christine S. Bellen at Eugene Y. Evasco (at hindi lang dahil kasama ako sa isyu). Nawa'y mag-angkin ng mahalagang puwang ang isyung ito para sa pag-aaral ng panitikang pambata sa Pilipinas.

Monday, August 16, 2004

Czeslaw Milosz, 93


Ngayon ko lang nabalitaan na namatay na si Milosz. Sabi ni Allan. Kumbakit hindi ko nakita sa daily digest ng The New York Times ang balita. 93 siya nang namaalam.

93.

Minsan, nagbibigay ng pag-asa iyon. 23 ako ngayon. 23 lang. 70 taon pa. Kung sakali. Pero kapag ganito: kapapasa lang ng advisory marks ng freshmen (tinulungan na nga ako ni Nikka nung Sabado sa pagwawasto ng objective part ng long test nila), at 14 ang naka-F; 2 lang ang naka-B (highest) sa dalawang sections (59 students), nakararamdam ako ng pagod. Kung aabot ako ng 93, ano kayang pagod ang posibleng maramdaman ko? Bibitbitin ko pa rin ba sa araw na iyon ang lahat ng pagod na nararamdaman ko ngayon? Ano ang itatawag ko sa pagod, kapag dumating ako sa araw na iyon?

The Fall
Czeslaw Milosz

The death of a man is like the fall of a mighty nation
That had valiant armies, captains and prophets,
And wealthy ports and ships over all the seas,
It will not enter into any alliance,
Because its cities are empty, its populations dispersed,
Its land once bringing harvest is overgrown with thistles,
Its mission forgotten, its language lost,
The dialect of a village high upon inaccessible mountains.

Friday, August 06, 2004

Katatapos Lang

  • Reasons for Moving, by Mark Strand (08.05.2004) *Nikka's photocopy
  • Anthem, by Ayn Rand, with a new introduction by Leonard Peikoff (08.01.2004)
  • Collected Stories, by Gabriel Garcia Marquez, translated by Gregory Rabassa and J.S. Bernstein (08.01.2004) *Jema's copy
  • Fahrenheit 9/11, directed by Michael Moore (07.31.2004) *Vim's pirated DVD
  • Baise-Moi, directed by Virginie Despentes and Coralie Trinh Thi (07.30.2004) *QT's pirated DVD
  • La Seconda Moglie, directed by Ugo Chiti (07.29.2004) *Ted's rented VCD
  • Dirty Dancing, directed by Emile Ardolino (07.27.2004) *Ted's pirated DVD
  • Deads Ringers, directed by David Cronenberg (07.26.2004) *pirated DVD
  • Angels & Demons, by Dan Brown (07.25.2004) *Jelson's copy
  • Imelda, directed by Ramona S. Diaz (07.20.2004) *Glorietta Cinema 1, kasama sina Christine, Cynthia, Augie, Eugene at Pange
  • Papa's House, Mama's House, by Jean Lee C. Patindol (07.20.2004)
  • Rogue, directed by Stanley Kwan (07.19.2004) *Ted's pirated DVD
  • Batang West Side, directed by Lav Diaz (07.18.2004) *Greenbelt Cinema 1, kasama si JB
  • The House of the Spirits, by Isabel Allende (07.17.2004) *Rizal Library's copy
  • White Slavery, directed by Lino Brocka (07.17.2004) *UP Film Center, kasama si Nikka
  • MN, directed by Mar S. Torres (07.17.2004) *UP Film Center, kasama si Nikka
  • The Passionate Strangers, directed by Eddie Romero (07.14.2004) *UP Film Center, kasama sina QT at Jema
  • L'Appartement, directed by Gilles Mimouni (07.13.2004) *Ted's pirated DVD
  • Sputnik Sweetheart, by Haruki Murakami (07.11.2004) *Naya's copy
  • S.W.A.T., directed by Clark Johnson (07.10.2004) *Ted's pirated DVD
  • Kamatayan ng Dinastiya, salin ni Christine Bellen ng "The Eagle Has Two Heads" ni Jean Cocteau, sa direksyon ni Marte Nerona (07.09.2004) *Teatro Hermogenes Ilagan
  • The Magdalene Sisters, directed by Peter Mullan (07.07.2004) *Vim's pirated DVD
  • The Da Vinci Code, by Dan Brown (07.05.2004) *Jelson's copy
  • The Weather of Words, by Mark Strand (07.02.2004) *Rizal library's copy
  • Spider-Man 2, directed by Sam Raimi (06.31.2004) *SM North EDSA Cinema 1, kasama sina Allan, Naya at BJ.
  • Kanta sa Gabi, ni Romulo A. Sandoval (06.28.2004) *Allan's copy
Sa mga panahon na hindi ako nakapagsusulat dito, malamang ay noon ako mas babad sa maraming iba pang bagay, gaya ng pagbabasa o panonood ng pelikula. Sa ngayon, heto ang mga nakapila, at salit-salitang binabasa:
  • Hagkis ng Talahib, ni Lamberto E. Antonio
  • The Poet's Notebook: Excerpts from the Notebooks of Contemporary American Poets, edited by Stephen Kuusisto, Deborah Tall & David Weiss
  • Rapture, by Susan Mitchell
  • Sarilaysay: Tinig ng 20 Babae sa Sariling Danas Bilang Manunulat, ni Rosario Torres-Yu
  • The Book on the Bookshelf, by Henry Petroski
  • Folk Medicine in a Philippine Municipality, by F. Landa Jocano

Tuesday, August 03, 2004

Katatawanan sa Buwan ng Wika

Press Release

Matapos ang kaguluhan sa nakaraang eleksyon, ang muling pagbagsak ng piso, at ang tensyon sa kalagayan ni Angelo dela Cruz, narito na ang pagkakataon nating magpahinga at muling humalakhak. Sa buong buwan ng Agosto inihahandog ng Kagawaran ng Filipino, Paaralan ng Humanidades, Pamantasang Ateneo de Manila ang KATATAWANAN: Komedya sa Panitikan at Kulturang Popular ng Pilipinas. Isang pagdiriwang sa buong buwan ng Agosto, Buwan ng Wika.

Pormal na bubuksan ang programa sa ika-9 ng Agosto, 8:30 n.u. sa pamamagitan ng pagtataas ng bandila sa Xavier Hall na susundan kaagad ng pagbubukas ng exhibit ng mga gawa ni Tony Velasquez, Ama ng Komiks sa Pilipinas at lumikha kay Kenkoy, sa Rizal Library Exhibit Area ng 9:00 n.u.

Sa ika-13 ng Agosto, 4:30 n.h. sa Rizal Mini Theatre, tatalakayin naman ni G. Jerry Respeto bilang unang panayam ng programa ang "Tradisyon ng Dulang Katatawanan sa Pilipinas sa 40/40."

Sa ikalawang panayam, makinig sa mga kurukuro ni Dr. Jose Bernard Capino tungkol sa "Panggagaya at Panggogoyo: Postkolonyal na Hybridity sa 'Barbi: Maid in the Philippines'" na gaganapin sa Rizal Mini Theatre, ika-20 ng Agosto, 5:00 n.h. Sa araw rin na iyon ang huling araw ng pagbibigay ng mga lahok para sa Timpalak Tula at Timpalak Sanaysay kung saan ang tema para sa sanaysay ay "Ang Bisa ng Komedya sa Panititkan."

Ka! Poetry Jamming Session naman ang magaganap sa ika-27 ng Agosto, 5:30 n.h. sa Rizal Mini Theatre bilang huling hirit ng Kagawaran ng Filipino para sa Buwan ng Wika.

Makisali sa isang buwan ng katatawanan at ipagdiwang ang yaman ng wikang Filipino sa darating na Agosto. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa Kagawaran ng Filipino sa 426-6001 loc. 5321 o magpadala ng text message sa (0919)274-6482.

Monday, August 02, 2004

Magulang

Isa sa mga paborito kong forwarded e-mails:

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga magulang:
  1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
    "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
  2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
    "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
  3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
    "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
  4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
    "Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."
  5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY.
    "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
  6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
    "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!"
  7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
    "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"
  8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
    "Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
  9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
    "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
  10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
    "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"
  11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
    "Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"
  12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
    "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
  13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
    "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
  14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
    "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
  15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
    "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
  16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
    "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"
Lola ko ang nagpalaki sa akin. Sayang.