Ilang Bagay na Pambata
Kagagaling ko lang sa UP-IS dahil naimbitahan ako para sa kanilang programang "Araw ng mga Manunulat at Ilustrador." Nakasama ko sina Heidi Abad-Eusebio (manunulat din ng kuwentong pambata) at JK Aninoche (storyteller). Ipinakilala kami sa mga bata (Kinder hanggang Grade 2) at nagkuwento kami ng kaunti ukol sa malikhaing proseso. Ilang Q & A. At saka, ikinuwento ni JK ang "Papa's House, Mama's House" na siyang Grand Prize sa PBBY ngayong taong ito. Sobra ang energy ni JK. Mabentang-mabenta sa mga bata. Naisip ko, hindi talaga yata ako p'wedeng maging guro sa grade school. Ibang klase ng husay ang kailangan. Pagkatapos, may ilang mga nagpapirma ng aklat. Sabi ni Yvette (na nag-imbita sa akin), ipinakuha pa raw niya sa warehouse ng Adarna ang kopya ng mga libro ko at 30 na lang ang nakuha (mabuti't meron pa pala!). Bago umalis, binigyan niya ako ng laminated artworks ng mga bata (cover ng "Uuwi na ang Nanay kong si Darna!") at sa likod ay nakapaste ang komentaryo ng mga bata, gaya ng mga sumusunod:
...
Nakakuha na ako ng kopya ng pinakabagong isyu ng Diliman Review, kung saan lumabas ang aking sanaysay na "Mula Hong Kong Hanggang Antipolo: Isang Malikhaing Proseso sa Pagkatha ng Kuwentong Pambata." Binubuklat-buklat ko ang isyu at mukhang maiinam ang mga sanaysay na nakatuon sa panitikang pambata (huwag na munang pansinin ang layout; kailangan pang ma-expose ang kung sino mang nag-layout sa mahuhusay na journal pagdating sa aspektong ito; hindi rin 'ata nausuhan ng proofreading ang DR: sa sanaysay ko pa lang ay marami nang mali).
Gayunpaman, mukhang naisalba naman ang isyu ng mismong nilalaman. Narito ang sipi mula sa editorial ni Darius Letigio Martinez:
"Sa panulat ni Lina Diaz de Rivera ay makikita ang mga pagtatala sa kasaysayan ng Panitikang Pambata sa Pilipinas. Inilalahad naman ng mga pananaliksik nina Christine Bellen at Luna Sicat-Cleto ang kasaysayan ng mga bata sa dalawang malalaking panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng mga alon ng dagat ay ipinararating sa atin ni Eugene Evasco na mayroon palang namumugad na panitikan sa dagat para sa bata. Si Cynthia Villafranca ay maghahain sa atin ng pag-aaral sa ilang kuwentong pambata at kung paano ito maaaring ituro sa loob ng mga klasrums. Isasalaysay naman ni Edgar Samar ang kanyang karanasan nang magdesisyong sumulat para sa mga bata at ang dalawang kuwentong bunga ng pagpapalit-anyong ito. Sa malikhaing kamay ni Panch Alcaraz ay matutuklasan natin ang sarili niyang karanasan sa paglikha ng mga larawan para sa mga kuwentong pambata. Ikukuwento naman sa atin ni Ani Almario ang malalaking kaganapan sa Adarna Publication. At sa huli, sa makukuwento at matutulaing imahinasyon nina Cyan Abad-Jugo, Heidi Emily Eusebio-Abad, May Tobias at Astrid Tobias, ay may dagdag-yaman sa ating hiraya."
Gaya ng sinabi ko, may pangako ang mga akda sa loob ng DR, salamat sa pamamatnugot nina Christine S. Bellen at Eugene Y. Evasco (at hindi lang dahil kasama ako sa isyu). Nawa'y mag-angkin ng mahalagang puwang ang isyung ito para sa pag-aaral ng panitikang pambata sa Pilipinas.
- Nagustuhan ko ang kwento kasi nakakatawa nakakagulat at maganda ang tauhan at nakakaaliw.
- Nagustuhan ko ang kuwento dahil ito ay isang librong maraming matutuhan.
- Nagustuhan ko ang kuwento dahil kay Darna magaling masipag at matulungin. Ang kuwento ay maganda dahil kay Darna, Popoy at tatay ni Popoy.
- Nagustuhan ko ang kwento dahil pinapasaya ako ng bata.
...
Nakakuha na ako ng kopya ng pinakabagong isyu ng Diliman Review, kung saan lumabas ang aking sanaysay na "Mula Hong Kong Hanggang Antipolo: Isang Malikhaing Proseso sa Pagkatha ng Kuwentong Pambata." Binubuklat-buklat ko ang isyu at mukhang maiinam ang mga sanaysay na nakatuon sa panitikang pambata (huwag na munang pansinin ang layout; kailangan pang ma-expose ang kung sino mang nag-layout sa mahuhusay na journal pagdating sa aspektong ito; hindi rin 'ata nausuhan ng proofreading ang DR: sa sanaysay ko pa lang ay marami nang mali).
Gayunpaman, mukhang naisalba naman ang isyu ng mismong nilalaman. Narito ang sipi mula sa editorial ni Darius Letigio Martinez:
"Sa panulat ni Lina Diaz de Rivera ay makikita ang mga pagtatala sa kasaysayan ng Panitikang Pambata sa Pilipinas. Inilalahad naman ng mga pananaliksik nina Christine Bellen at Luna Sicat-Cleto ang kasaysayan ng mga bata sa dalawang malalaking panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng mga alon ng dagat ay ipinararating sa atin ni Eugene Evasco na mayroon palang namumugad na panitikan sa dagat para sa bata. Si Cynthia Villafranca ay maghahain sa atin ng pag-aaral sa ilang kuwentong pambata at kung paano ito maaaring ituro sa loob ng mga klasrums. Isasalaysay naman ni Edgar Samar ang kanyang karanasan nang magdesisyong sumulat para sa mga bata at ang dalawang kuwentong bunga ng pagpapalit-anyong ito. Sa malikhaing kamay ni Panch Alcaraz ay matutuklasan natin ang sarili niyang karanasan sa paglikha ng mga larawan para sa mga kuwentong pambata. Ikukuwento naman sa atin ni Ani Almario ang malalaking kaganapan sa Adarna Publication. At sa huli, sa makukuwento at matutulaing imahinasyon nina Cyan Abad-Jugo, Heidi Emily Eusebio-Abad, May Tobias at Astrid Tobias, ay may dagdag-yaman sa ating hiraya."
Gaya ng sinabi ko, may pangako ang mga akda sa loob ng DR, salamat sa pamamatnugot nina Christine S. Bellen at Eugene Y. Evasco (at hindi lang dahil kasama ako sa isyu). Nawa'y mag-angkin ng mahalagang puwang ang isyung ito para sa pag-aaral ng panitikang pambata sa Pilipinas.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home