Monday, July 05, 2004

Sakit

May sakit pa ako ngayon.

Hindi ako makabangon sa higaan kahapon nang hapon. Umiikot ang paningin ko. Parang nabugbog ang katawan ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Ngayon lang ulit ako dinapuan ng sakit. Noong isang taon, sa kabila ng review para sa MA comprehensive exams at ng pagtatrabaho para sa thesis, hindi ako tinablan ng sakit. Ngayon lang ba bumabawi ang katawan ko? Tinext ko si Len para magpadala ng gamot kagabi. Nagising ako sa katok niya bandang alas-nuwebe ng gabi. Hindi na talaga ako makagalaw.

Ano ang maaaring dahilan ng pagkakasakit ko ngayon?

  1. Dahil ba sinimulan ko nang basahin kahapon ng umaga ang The Da Vinci Code ni Dan Brown at hindi ko tinantan hanggang sa sumakit na nga ang ulo ko (page 298 ako tumigil) at nang magpahinga ako nang kaunti ay maramdaman ko na ngang tinatrangkaso ako?

  2. Dahil ba sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-defrost ako ng ref, at masyadong nalamigan ang katawan ko, at ayaw kong harapin ang halos binaha kong kuwarto dahil sa natunaw na yelo?

  3. Dahil ba nag-iisa na ako sa kuwarto at kailangan kong danasin ito, magkasakit nang nag-iisa?
Pumasok na rin ako, tutal ay isang oras lang naman ang klase ko ngayon. Isa pa, mayroon nga palang konsultasyon ang mga estudyante ko. Kani-kanina, dumaan pa ang blockmates ko nung college, sina Beej, Portia, Cha at Rosei (nagtuturo ngayon sa Psychology Department si Cha at third year na sa Ateneo Law School sina Beej, Portia at Rosei), nananghalian na rin kami sa Kamirori. Natural, kumustahan. Bigla'y parang nawala ang sakit.

Gamot din nga siguro ang mga muling pagkikita.

1 Comments:

Blogger egay said...

salamat sa paalala ni nikka.

noong nagdaang linggo lang (martes din), sa conspiracy, sinabi ko na magaling ako dahil wala akong sakit. pero kahapon nga, hindi ako magaling.

ngayon, gusto kong isipin na magaling na ulit ako.

July 6, 2004 at 9:57 AM  

Post a Comment

<< Home