Kay K.
Hindi pa kita nakakausap nang ganito. Ganito. Lagi kasi, nagbabasa ako, o nagsusulat ng tula. Nagtuturo paminsan-minsan (15 oras bawat linggo). Nitong nagdaang linggo, ilang beses na tuwing bago ako matulog, ibinubulong ko sa sarili ko, isang araw, yayayain kita: mag-usap tayo. Pero gusto kong masabi iyon nang hindi ko kailangang magbitiw ng salita. Parang tula.
“Hindi kita maintindihan.”
Nang una mong sinabi iyon sa akin, simpleng pahayag lang. Wala akong nadamang hinanakit sa tinig. Walang pang-uusig. Basta gayon: Hindi kita maintindihan.
Minsan naiisip ko kung kailangan ba talagang nagkakaintindihan tayo. Mahirap ding maging sigurado. Kapag tiyak na sa isang bagay, saan pa tutungo? Alam mong marami akong gustong puntahan. Hindi marating. Puntahan. Kaya ganito, kung saan-saan ako sumisinsay. Baka hindi mo na naman maintindihan ang mga ito.
Gusto kong magpakilala. Pero pinangingibabawan ako ng takot sa mga cliché sa mundo: kilala ko na ba ang sarili ko?
Nauunawaan mo ba?
***
P.S. Baka walang K. Natatakot akong walang makausap nang ganito.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home